1.01.2008

Bakit Bawal Mag-Comment?



Usapang blogging muna.

Ngayon na ang pagkakataon mag explain kung bakit hindi ako nagpapa-comment. May ilan sa aking mga kaibigan ang kating kati na mag comment sa mga whatnots at reklamo ko sa buhay. Eto, iisa-isahin ko na.

Una, hindi ako sucker for comments. Period. Yung iba kasi, adik sa numbers - pag maraming comment, cool ka. Nyeh! Kung mapapansin mo, mula sa umpisa nang aking pagba-blog (mula nang pagmmigrate mula sa LiveJournal) eh hindi na talaga pwede mag comment. Eto ay dahil hindi ko naman hinihingi ang opinyon mo. Blog ko to. Magbasa ka lang... kung ayaw mo, edi mambola ka ng blog ng iba. (Tangina. Taray.) Nagtataka lang din ako kung minsan eh may apektado sa mga entry ko... isa lang ang sagot, edi wag mo basahin.


Courtesy rin ito sa mga blog na kinukumentuhan ko.
Biruin mo yun, nag comment ako sa blog mo hindi para mag comment ka rin sakin. Aaminin ko, tamad ako mag blog hop at mag post ng comment. Tamad din ako magbasa ng mga mahahabang texts kaya pag puro salita ang nakikita ko o mabagal mag load ang site eh sinasara ko agad ang page. (Kahit sarili kong entry eh tinatamad akong basahin.) Pwera nalang pag talagang natutuwa ako sayo at sa entry mo. Kaya isang himala pag ako ay nag comment.


Consistent na ang lagi kong lang binibisita ay ang original real life friends ko na si kdr, fb at mj... plus the GP tropa.

Hindi ako palaging online.
Wala akong DSL. Pero kung tutuusin, mas mahal ang internet ko kaysa sa mga naka unlimited net dahil Prepaid Broadband ang gamit ko. Nakaka 100 php (5 hours only) ako sa isang araw lang. Hindi ko naisipan magpakabit ng stable internet dahil 2 ang bahay ko at laptop lang ang aking gamit. Poor me. Ang dami kong kayabangan, ang puno't dulo... hindi ako makakapag check ng blog 24/7.


(FYI: May 2 tao nga pala na nagme-maintain ng aking accounts, including my blog, sa mga panahon na hindi ako makakapag online. May posibilidad na 1/10 sa aking mga entries ay hindi ako ang nagpost.)


Ayoko sa mga feeling close. Hindi ako nakikipag plastikan sa mga taong hindi ko naman feel kausapin para lang makilala. Hindi naman ako nag hahangad ng fame status dahil madali lang naman ito makamit online (proven by Mega Magazine). Ayokong dumating sa puntong magaya ako sa mga ibang bloggista na kinarir ang online fame pero in reality ay wala namang binatbat; o sa internet lang nakatikim ng social life and belonging. Ouch!


Kaya pathetic ang mag-angas ng popularity sa net... unless nalang na lumalabas ka sa tv, nakikita ko sa ramp gig o ka-level mo ang boyfriend kong sikat - i'll consider the bragging. Marami namang sikat na humble, ang ratio ay 1:10 nga lang. Pare pareho lang tayong nakikigamit ng space sa internet. Sikat ka man o low profile na bloggista, tao ka pa rin at ang blogging ay past time lang... at the end of the day, maglo-log out ka sa iyong blog account na parang iiwanan ang iyong PERFECT alter ego at babalik ka na sa IMPERFECT reality.


Ang aking blog ay personal type.
Kumbaga sa 10 tao na bibisita dito sa isang araw, 7 dito ay kilala ko sa personal (at 3 lang ang galing sa blogsphere). Maaaring kaklase ko nung college, ka-officemate, model friends at worst kung ex boyfriend pa (at kung nababasa mo man 'to, hayop ka! LOL). Dahil dito, ayokong ilaglag nila ako sa mga sasabihin nila since karamihan ng aking posts eh mga nae-encounter ko sa pang araw-araw at malawakang pag eemote. At dahil kakilala ko ang aking mga mambabasa, pwede naman sila mag-react sa personal pag nagkita na kami. Mayayari din ako sa mga kaklase ko sa admu dahil alam nila lahat nang sikreto ko at sa loob ng 4 na taon eh ginagawa lang nilang thread ang aking blog sa LiveJournal. Wag naman sanang mangyari dito. At dahil personal ang aking blog, hindi ko naisipan sumali sa kahit anong online contest ek ek dahil mga loved ones lang ang interesado sa buhay ko and i don't blog for anyone... ano nga namang paki ng ibang tao kung avid fan ako ng Good Morning Towel?


And because I cannot/I am not ought to please everybody. Parang sa PBB, pilit mong ipapakita ang iyong friendly and light side sa iyong online life para maraming magbasa sa page mo. Pag may hindi nasabi na maganda sa iyong mga pananaw sa buhay, ang tendency ay magdadahan dahan ka na sa iyong pananalita for the sake of morality. In my case, ayoko nang ganun. I want to be spontaneous and if you find me immoral and offensive, pagtatawanan lang kita because you still bother to go to my page.


And last but not the least, konti or wala pa akong nakikitang blog na consistent na hindi magpa-comment... so nabuhay na ang ganitong istilo sa pamamagitan ng aking humble page. 3 na ang nang-alok sakin para mag-sponsor ng DATKOM (pero wala pa akong balak), at kahit mag-upgrade pa ako ng sarili kong domain, mas trip ko pa rin ang huwag magpa-comment.


Kaya utang na loob, wag na kayo magtanong kung bakit bawal mag kumento dahil iba-iba ang dahilan depende sa mambabasa. Ang magtanong ulit, ipapa halik ko kay yellow chorvah. :P


###

To everyone, please take my points INTELLIGENTLY at hindi lang basta basta magtataas ng kilay. Just mean it, I have a point... or if not, i don't need your opinion.

Tangina... eto na ang pinaka mahabang entry ko dito sa blogspot. Isa nga pala itong back dated post. I am not just referring to my Jologs Socialite blog, it's also applicable to my intellectual blog with my anonymous persona... na bawal din mag comment.