Whew! Nakapag-online din!
Eto ang nasabi ko pagkaupong pagka-upo ko sa internet shop. Nawala kasi ako ng matagal dahil wala naman ako sa Manila. Wala din naman akong internet sa bahay na inuuwian ko. Medyo wala ako sa mood ngayon. Pagod. Gutom. Unemployed. Pero nakuha ko parin namang makipag-usap ng kulitan sa aking mga friends na nakakausap ko lang through internet. Nagtataka lang ako kung bakit sa 2 minutong ako'y nag-online sa YM ay sandamakmak na ang nag-message sakin. Parang natutuwa pa sila. Ewan ko kung bakit.
Hanggang sa nabaling ang aking browser sa isang website na aking laging binibisita... at nalaman ko ang sagot kung bakit ang mga kaibigan ko ay natutuwa at kinikilig.
Binasa ko ang isang entry mula sa una hanggang sa huling kataga.
Ako ay napatahimik, at wala nalang nasabi.
"At wala nang ibang maaaring maging dahilan ng lahat ng ito maliban sayo. Kung ako ang tagapagligtas mo, ikaw naman ang reyna ko." (read more)
Eto na yata ang pinakamagandang lathala na isinulat para sa akin. Nakita ko rin itong naka-publish sa iba't-ibang blog. Napawi ang aking pagod, ang aking gutom at feeling ng unemployed. Para sa may akda, nagpapasalamat ako at napangiti mo ako. At sa pagkakataong ito, ako ay magpapaka-seryoso. Alam kong maraming nagkukwestyon sa ating dalawa. Wag sana gawing katuwaan o bigyan ng malisya. Kung ano man ang meron ay hindi ito simpleng hi at hello lamang. Hindi rin magtatapos sa sagot na oo o hindi.
Dahil ako ang reyna mo, salamat at niligtas mo ako.